Sa tunay na buhay, may existing blog na ako. Tinawag ko itong "PUNCH DRUNK LOVE".
Sabay-sabay -- BAKIT?
Una kong nakita yan sa Procrastinator video ng Sandwich. Isa sa mga moves dun. Tapos napaisip ako. Ay ganda. Astig. Gusto ko nyan. Kaya ayan. Tapos parang related din naman sa buhay at pagkatao ko. Parang lang. Andyan sya sa baba.
CLICK MO 'TO. WAG MATIGAS ULO.
Kanina lang pumasok sa isip ko, ang love. (bakit nga ba?) Hindi naman ako in love at lalong walang lovelife (wait soon), naisip ko lang bigla. Dahil curious ako sa aspetong ito, maglaan tayo ng space para sa mga nalalaman ko tungkol dito. Hindi ko naman alam ang lahat, pwede mo kong i-correct. Pawang mga opinyon lamang ang nakasulat dito, kaya wag kang epal kung natatamaan ka!
BUT WAIT.... THERE'S MORE! May mga kwento rin ako dito. At uumpisahan ko.