Eeeez so random!
Full Name- Patricia Pamela M. Llemos
Nicknames- Pat, Phat, Pam, Patty, Pusa
Address- Not telling!
Age- Twenteen
Status- Single.
Talents- dancing, stalking, laughing, writing, ranting
Color- green, black, blue, white, silver
Pets- Jigger, Queenie, Maxee
Loves- ice cream, tambay, friends, Lolo
Hates- pretenders and a**sholes, late comers
Needs- Vitamin K, Vitamin A and Vitamin G
Liking- spicy food, early morning travels, breaking rules
Wants- new Nokia 3G cellphone, Sony PSP, portable DVD player
Ako 'to. Hindi ikaw.
Mahiyain ako. Pero pwede mo kong i-text o chat sa YM at magPlurk na lang tayo kung di tayo makapag-usap ng personal. Hindi ko dyan ipapakita ang mukha ko. Kasi nga nahihiya ako. Mamaya na lang.
I love good times. Hindi naman sa bestfriend ko ang alak, gusto ko lang ng mga inuman with friends dahil dun ay masaya ang bonding. Kahit magastos at nakakaloka pag may susuka sa mga kaibigan mo. Pero masaya naman talaga yun. Kahit mapanganib sa liver at lungs ang trip na yun. Sila naman ang maunang mamatay. Heh.
Kapamilya. Sino ba naman ang hindi mahal ang pamilya? Kahit nasisigawan ko ang mga makukulit na ulupong na kapatid, mahal ko sila. At kahit di ko sinusunod lahat ng utos ng magulang ko, mahal ko pa rin sila.
Tugtog. Gusto ko nyan. May kakaibang lakas akong nakukuha sa panunuod ng tugtugan ng mga banda. Natutuwa akong makarinig ng mga bokalistang rumoroar at pilitin intindihin ang mga kinakanta nila. Basta natutuwa ako dun.
Tawa. Madali akong patawanin. Siguro ito rin ang sanhi kung bakit palaging pagod ang pakiramdam ko lalo na pag kasama mga friends. Nauubos ang lakas namin kakatawa sa mga mababaw na bagay. Sa bagay, mas gusto ko namang tumawa kesa isipin ka at magmukmok sa sulok ng maalikabok na kwarto.